Saturday, August 3, 2013

Nag SOLO... Tuguegarao City!


Naku mahigit isang taon na palang hindi ako nakapag update. Sige lakbay uli tayo, punta naman tayo ngayon sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan. Hindi ko pinangarap o naisip na maglakbay dahil una sa lahat magastos, mahal ang pamasahe, pagkain, tirahan, at kung ano-ano pang bagay na parang ang hirap paghandaan.


Tuguegarao City saan yun? Naalala ko tuloy ang isang kaibigan noong nagkahiwalay ang landas namin (Felmore) (https://www.facebook.com/nectarINaSieve?fref=ts), ang sabi nya pupunta daw sya ng Tuguegarao para magtrabaho. Tinanong ko sya kung saan ang Tuguegarao sabi nya malayo sa bandang norte ng Pilipinas 10-12 oras daw ang biyahe kung sasakay ng bus.

January 16, 2011 bumiyahe ako patungong Tuguegarao City. Parang mamamasyal lang sa Luneta at pagdating hapon ay uuwi na. Sakay ng Airphil Express, lumapag kami sa paliparan ng Tuguegarao mga 7:00 ng umaga.



































Paglabas ng airport ay may mga Van na pwedeng sakyan papuntang bayan. Tinanong ako ng isang security officer kung saan ako papunta sabi ko mamasyal lang po at babalik din ako ng Maynila kinahapunan. Nagrenta ako ng isang tricycle na magdadala sa akin sa Piat, Callao Cave, at Tuguegarao Cathedral. Nagkasundo kami ni manong driver sa halagang 1000.00 basta pupuntahan namin lahat ng gusto ko, sya na rin ang tour guide ko, photographer at hangang maibalik nya ako sa airport sa hapon para sa flight ko pabalik ng Maynila. 

Ang Basilica Minore Nuestra Señora de Piat o mas kilala sa tawag na Basilica of our Lady of Piat ay kabilang sa labing dalawang basilica dito sa bansa. Ito ay matatagpuan sa Piat Cagayan na kalahating oras ang biyahe mula sa Tuguegarao City. 

 Basilica of Our Lady of Piat

Tuwing sumasapit ang Hunyo 23-29 ay ipinagdiriwang ang Sambali Festival at ang kapistahan ng Our Lady of Piat naman ay tuwing Hulyo 1-2 ng taon. Sa simbahang ito makikita ang itim na Birheng Maria na dinarayo ng mga deboto.

Mula sa Piat Cagayan ay bumiyahe kami ng mahigit isang oras para marating namin ang Callao Cave sa Peñablanca Cagayan.


Ang Callao Cave ay matatagpuan sa barangay Magdalo at Quibal Peñablanca. Ito ay isa sa mga pinakakilalang Cave sa bansa. Upang makapasok dito ay kailangang akyatin ang 200 hakbang na hagdan, pagdating sa itaas ay siguradong mawawala ang pagod dahil sa ganda ng Cave. Ito ay may pitong sungawan, isa dito ay ginawang chapel na makikita sa mga postcard.


Pagkatapos hingalin sa pag-akyat sa Callao Cave pumunta naman tayo sa Tuguegarao Cathedral. 


Tuguegarao Cathedral

Tuguegarao Cathedral o Sts. Peter and Paul Cathedral itinayo noong 1761 - 1767 at isa ito sa pinakamalaking simbahan na naitayo ng mga kastila sa Cagayan Valley. Isa rin ito sa mga pinakamagandang likha ng sining sa bansa. 

Halos alas dose na ng tanghali ng lumabas ako ng simbahan, oras na para sa tanghalian. Tinanong ko si manong tour guide, photographer, at driver kung ano ang specialty nila at kung saan pwedeng kumain. Dinala nya ako sa isang panciteria malapit lang sa simbahan na katabi ng paradahan ng tricycle.

Umorder kami ng pancit batil-patong o pancit Tuguegarao, kung hindi ako nagkakamali mga 60.00 ang isang order. Gawa ito sa pancit miki na sinahugan ng karne ng baboy o karne ng kalabaw, atay ng manok o baboy, chicharon, gulay at itlog. Masasabi kong isa ito sa pinakamasarap na pancit na natikman ko lalo na kapag may sawsawan na toyo, kalamansi at sibuyas, samahan pa ito ng sabaw na gawa sa itlog.

Pancit Batil Patong

Pagkatapos ng mga ilang sandali ay kailangan ko ng bumalik sa airport para sa aking flight pabalik ng Maynila. Pero bago yon ay dumaan muna kami sa Alcala na bilihan ng mga candy at chicharon.

                          Chicha-rabao, Pawa at Milk Candy

 Salamat kay manong driver, tour guide, at photographer dahil hindi ako na huli sa pagdating sa airport.
Salamat din sa murang ticket na Airphil Express (Pal Express) 


Travel Date: January 16, 2011











No comments:

Post a Comment