NAIA Terminal 2 with Arcela
Tagbilaran Airport with Irish
Ang accomodation namin ay sa Grand Luis lodge. 3 days and 2 nights kami dito, Nov. 20 - 23, 2010. Salamat sa aking mga kasama dahil sila na lahat ang nag ayos, accomodation, tour at pagkain.
Silent Hill, Mariveles, Dauis Pangalao Island, Bohol
City Tour
1st stop - Man Made Forest
A two kilometer rainforest na puro mahogany trees ang main features. Nag enjoy ako dito dahil medyo malamig ang klima dahil sa mga matataas na puno.
2nd stop - Chocolate Hills
Hindi kumpleto ang pagpunta sa Bohol kung hindi mo masisilayan ang kagandahan ng Chocolate Hills. Nagkataon na papatapos palang ang panahon ng tag-ulan kaya kulay berde pa ang mga burol.
Chocolate Hills
3rd stop - Simply Butterflies Conservation Center
Dito makikita ang iba't ibang uri ng butterfly around 150 species simula sa maliit hanggang sa malaki. May mga tour guide dito na sasama sa inyo para ikutin ang buong lugar.
Oppssss... patnubay ng magulang ay kailangan.
4th stop - Hanging Bridge
Ang dalawang tulay ay gawa sa kawayan at hardened steels na may taas na 25-30 meters at matatagpuan sa Ilog na Sipatan. Sa dulo ng tulay ay maraming souvenir shops na mabibilhan ng mga murang pasalubong. Mas magandang dito bumili ng pasalubong dahil mas mura na pwede pang tumawad.
5th stop- Loboc River Cruise
Lunch time na, palalampasin ba namin na hindi maexperience ang buffet lunch ng Loboc River.
Pagsakay sa bangka ay pwede na kaagad kumain. Maraming pagpipilian may karne, isda, gulay, prutas at mga inumin.
Hindi naman halata na gutom na kami... ^_^
Ang pagsakay sa bangka ay tumatagal ng 40-50 minutes depende sa dami ng tao. May banda na tumutugtog habang kumakain, mostly ay boholano at old songs ang maririnig. Humihinto ito sa tapat ng isang balsa na may mga performers. Kuradang dance ang tawag sa sayaw at sinsabayan ng boholano songs.
Waiting Area
6th stop - Tarsier
Pagkatapos ng tanghalian oras na para makita ang tarsier.... One of the smallest primates na makikita sa Bohol.
Ang simbahan ng Our Lady of Immaculate Conception ay isa sa mga pinakalumang simbahan sa bansa, mas kilala ito sa tawag na Baclayon Church.
Makikita sa gawing likuran ko ang mukha ni Padre Pio...
Hindi kami nakakuha ng buong litrato sa harapan ng simbahan.
Medyo pagod na kami at malapit ng dumilim. Tumigil sandali ang aming sasakyan sa Port na malapit sa simbahan, sorry pero hindi ko na maalala ang pangalan ng port.
Ang blood compact ay sinasabing first treaty of friendship sapagitan nila Miguel lopez de Legazpi at Rajah Sikatuna. Ang pangyayaring ito ay madalas tawaging Sandugo.
Last day
Picture taking muna bago umalis sa Grand Luis Lodge.
with the Chef and Staff
Medyo bitin ang pagpunta namin sa Bohol, pero na enjoy namin ito. Dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na makita ang likas na ganda ng probinsya. Hindi man kami nakapunta sa mga beach at ibang pang lugar pasyalan, titiyakin ko na sa pagbalik namin ay maglalaan na kami ng sapat na oras para sa mga ito....
Salamat sa lahat ng mga nakasama ko lalo na kay Irish Gregorio at Arcela Ortega.
Philippine Airlines - http://www.philippineairlines.com
Grand Luis Lodge - http://www.grandluislodge.com/


























No comments:
Post a Comment